Fiber internet na inaabot namin, poste por poste.
Lokal kami. Kami ang naglalatag ng fiber sa Manalite, Taguisan, Gumamela, Creekside at Amara, kami ang nag-iinstall sa bahay mo, at kami rin ang sasagot kapag may problema.
O tumawag: 0905 590 5811
- 30–300
- Mbps, anim na plan na pagpipilian
- ₱799
- pinakamababang plan kada buwan
- ₱1,000
- isang bayad sa installation
Pumili ng bilis
Mas mataas ang bar, mas mabilis. Pindutin ang plan na gusto mo: bubukas ang Messenger na may nakasulat nang "APPLY PLAN", i-send mo na lang.
- 30 Mbps₱799Apply
- 70 Mbps₱899Apply
- Pinakamaraming kumukuha 100 Mbps₱999Apply
- 150 Mbps₱1,200Apply
- 200 Mbps₱1,500Apply
- 300 Mbps₱1,700Apply
Walang Messenger sa phone mo? I-text kami ng "APPLY PLAN" at ang plan na gusto mo sa 0905 590 5811.
Presyo kada buwan. Ang bilis ay "hanggang" sa nakasulat. ₱1,000 ang installation, isang beses lang.
Saan kami meron
- Gumamela 2
- Creekside Looban
- Manalite 1 Phase 2, 3 at 4
- Manalite 2 Rancho
- Taguisan 1, 2, 3 at 4
- Amara
Wala ang lugar mo sa listahan? Mag-message pa rin. Kung may poste kami malapit sa inyo, baka kaya na naming abutin.
Itanong kung abot kamiO tumawag sa 0905 590 5811
Paano mag-apply
Mag-message o tumawag
Sa Messenger, i-type ang APPLY PLAN at ang plan na gusto mo, halimbawa "APPLY PLAN 999", kasama ang address mo. O tumawag sa 0905 590 5811.
Titingnan namin ang lugar
Sasabihan ka namin kung abot ng linya at kung kailan kami makakapunta.
Installation
Kami ang magkakabit ng fiber at modem. ₱1,000 ang bayad, isang beses lang.
Buwanang bayad
GCash, Maya, Metrobank, BPI, GoTyme, MariBank o PayPal. Makikita mo ang due date sa client portal.
Ang trabaho namin
Biag ang pangalan namin. Sa Ilokano, ang ibig sabihin ay buhay. Ganoon din dapat ang internet sa bahay: laging gising, laging maaasahan.
Client ka na?
Sa client portal, makikita mo ang status ng internet mo at ang bill mo. Puwede mo ring palitan ang WiFi password, makita ang mga naka-konektang device, at i-restart ang modem nang hindi na kailangang mag-message.
Mga tanong
Magkano lahat ang babayaran ko sa simula?
₱1,000 para sa installation. Pagkatapos noon, ang buwanang bayad na lang ng plan mo.
Paano ko papalitan ang WiFi password ko?
Mag-login sa my.biagfiber.com gamit ang account number at PIN mo, tapos pindutin ang WiFi. Wala ka pang PIN? Mag-message sa amin at bibigyan ka namin.
Nawalan ako ng internet. Ano ang gagawin ko?
Tingnan muna ang ilaw ng modem. Kung pula ang LOS, mag-message o tumawag agad sa 0905 590 5811. Kung normal ang ilaw, subukang i-restart ang modem sa client portal. Kapag ganoon pa rin, mag-message at aasikasuhin namin.
Puwede ba akong lumipat ng plan?
Oo. Mag-message lang sa amin kung aling plan ang gusto mo.
Saan ako magbabayad buwan-buwan?
Tumatanggap kami ng GCash, Maya, Metrobank, BPI, GoTyme, MariBank at PayPal. Itanong sa Messenger ang account details.